Monday 15 September 2014

Premier


Saying di ako nakasipot sa usapan namin ni Joseph nung September 1. Medyo late na kasi ang lolo nyo nun at dahil dun i just decided to go straight to work. Kaya ayun, sumama ang loob ni NFF. HEHEHE!

Ewan ko ba kasi. Parang sakit ko na ang pagiging late. Ang bagal ko mag-ayos, matagal kumain. Masyadong mahinhin(dutin). HAHAHA! Ganun na nga ang siste e nakuha ko pang maglaro at mag-internet sa tab. NAKOW! Katigas talaga ng kokote. HEHEHE!

So, ayun na nga! Bumawi naman ako kay NFF kasi nakakuha ulit sya ng free movie pass pero hindi na If I Stay syempre, Pinoy movie naman this time. The Gifted, starring Anne Curtis, Sam Milby and Cristine Reyes. Luckily, this is a premier night that we have attended, so I got to see the main cast in person. Well, not that close enough but at least I now know how they looked like in real life. HEHEHE! I must admit, ang HOT pala talaga ni Sam. DEYM! Si Anne, as always, Anne-kabogable! Anne Curtis is Anne Curtis, wala nang kokontra dun. HAHAHA! Si Cristine naman, sobrang puti! Di mo alam kung bampira kasi parang di naaarawan. Kainggit much! LOL!


kamusta naman Cristine? mala-Snow White lang ang peg! LOL


Since premier night to-its, syempre di mawawala ang red carpet! Feel na feel ng lolo mo ang pagrampa at paghiyaw ng mga utaw sa gilid. Feeling celeb lang talaga ko nung mga time na yun. HAHAHA! Ganun pala yung pakiramdam ng rumarampa sa runway or catwalk. Parang mas lalo tuloy ako naging eager maging model. HAHAHA! Sayang lang at di ako nakunan ng picture ng aking NFF along the red carpet.

The movie is still showing though. Watch it now in cinemas near you. (maka-promote lang? LOL)

No comments:

Post a Comment

Tell me your thoughts about this post.