Sunday, 24 August 2014

Inosente de ti


I love watching movies may it be in the movie house/cinema o sa bahay lang (cable channels or DVDs). But let me share ang very first time experience ko sa isang sinehan. First time ko kasing nakapasok sa cinema ng Ayala Malls and I must say, that was such an experience! Para sa’kin na viewer ng isang regular movie house e nakaka-ignorante talaga ang cinema ng Ayala Malls.

When I was a child, I am only familiar with regular movie-houses within the Metro. Iba-ibang klase ng mga sinehan yun. Ang ibig kong sabihin sa klase e yung malinis at dugyot. HAHAHA! Yung mga malilinis ay yung nasa mga malls, habang yung mga dugyot ay stand alone. Kung naabutan nyo pa, ang mga stand alone cinemas ay masa-sight mostly sa Maynila, gaya ng sa may Leon Guinto, Paco, Recto, Sta. Mesa, Sta. Cruz atbp. Kasi naman, most of the movies they play there are Pinoy X-rated movies, madalang lang yung ibang genres. Well, enough of the dugyot-topic. HEHEHE! Ayun na nga, sobrang kakaiba talaga ang Ayala Malls kasi they’ve made a twist to our cinema-experience. Kung dati-rati ay stiff ka lang sa kinauupuan mo while munching on your chips, doon medyo mababasa ka o hihipan ng malakas na hangin o magva-vibrate ang upuan mo depende sa nangyayari sa palabas. Sorry if I may really sound so naïve here pero ganun talaga ang feeling ng first-timer, kaya pagbigyan nyo na. HAHAHA! Kaya nagtataka ko nung niyaya ako ng newfound friend ko at sinabing PHP400 ang worth nung movie. Exaggerated talaga yung reaksyon ko na, “ANG MAHAL NAMAN NUN!! ANO’NG KLASENG MOVIE BA YAN?! 3D!?!” Pero after the movie, worth it naman pala yung price kasi na-enjoy ko yung palabas kasi damang-dama mo yung mga pangyayari. It was like you’re part of the movie. Paano pa kaya kung 3D yun, di ba? And besides, you have to treat/reward yourself every once in a while because you deserve it.

take note: may kasama pang discount coupon
LOL

The experience was really overwhelming kaya naman I’m planning to bring my mother there for her to experience the same thing, and as a treat for her as well. Iniisip ko na lang kung saang Ayala Malls ko sya dadalhin. Hihingi na lang ko sa newfound friend ko ng advice, tutal mahilig naman sya sa movies at ang itreat ang family nya.


Kayo ba, do you have any suggestions for me? Feel free to comment. It’s highly recommended and appreciated.

No comments:

Post a Comment

Tell me your thoughts about this post.