Monday, 28 July 2014

byePhone

It’s been more than a week since my last post. Sorry guys, si “Glenda” kasi eh. Sa sobrang lakas ng arrive nya ang mga electric lines nagsitumbahan, pati ang phone at internet connection affected. At naging dahilan ng isang linggong rotating brownouts plus no-internet service sa bahay. Nakakalurkey at nakaka-imbey!

You know what? Exciting din during that time na nagparamdam si "Glenda" kasi nawala ang phone ko. Bongga, right?! May pasok ako bago nun at di pa naman kasi ganun kalakas ang ulan at hangin nung time na yun that’s why I decided na umuwi agad. So heto na nga, umaga na nun e kasi I’m working on a night shift and since sa South Luzon ang birada ng bagyo, wala na palang bumibyahe sa lugar namin. Nalurkey ketch! Pero sa awa naman ng Diyos, sa konting paghihintay e may dumaang pick-up-like truck at mabuti na lang kamo at mabait si kuya driver at nagpa-hitch sya saming mga stranded people (nang mga oras na to, alam ko hawak ko pa phone ko kasi tumawag pa ko sa pinsan ko kasi magpapasundo sana ko pero nakasakay na ko e so pinaalam ko na lang na pauwi na ko). Kaso sa sobrang excitement kong makauwi at sa takot na liparin ng malakas na hangin, pagbaba ko ng sasakyan e nagtatatakbo na ko papasok sa subdivision namin. And as soon as I got home, I suddenly thought of my phone kasi gusto ko sanang makausap ang partner ko to let him know that I’m safe home. Tas dun ko na na-realize na wala na si nyelpon! I panicked with matching mixed emotions kasi parang soulmate ko na din ang phone ko gawa ng andun lahat ng contacts ko and some memorable stuff. Di mamahalin ang phone ko pero may sentimental value sakin yun pati yung phone number ko, matagal ko na ding number yun ha.

I tried to go back to where I passed by until sa kanto kung san ako bumaba ng truck but unfortunately, di ko na nakita ang phone ko. I then thought of ringing my number with the help of my neighbors kaso nagring lang twice tapos di na ma-reach. So I thought of texting my number, just in case mabait yung nakadampot at mabasa yung message, kaso walangya amputah! Naningil at parang utang na loob ko pa na napulot nya ang phone ko. Sakin naman, walang problemang magbigay sa kanya as a reward but for him/her to initiate and demand 800PHP is something na no-no para sakin! Panggigipit yung ginawa nya, alam nya kasi na eager akong mabawi yung phone ko kaya nanamantala si walangya! E wala pa naman akong extra para ibigay yung gusto nya, so pinabayaan ko na lang.

Although it was hard to do, I tried my very best to move on. Yun oh! HAHAHA! Ginamit ko muna yung basic phone na pakalat-kalat sa bahay then I bought a new SIM card pero until now di ko pa din matanggap yung new number ko. HEHEHE! Di pa din kasi ako sanay e. Pero syempre, I don’t want to dwell on that issue since madami pang bagay na dapat pagtuunan ng pansin, yung mas mahalaga. Kaya move on-move on din pag may time. HAHAHA!


E kayo, how were you peeps? I mean, nung kasagsagan ng bagyo, I hope ok lang kayo. Stay safe guys ha!

No comments:

Post a Comment

Tell me your thoughts about this post.