I’m
very excited na para bukas kasi my NFF Joseph (yow-sef) invited me to watch an
advance movie screening with him at Robinson’s Galleria.
Kaso
medyo choosy si friend kasi di daw nya bet ang cinema sa Galle. Siguro dahil sa
nasanay na sya sa mga 4DX-type movie houses, like the one in Bonifacio High Street, at
common naman ang cinema sa Galle. Sabi ko nga e, wala syang choice kasi libre
naman yun, courtesy of Warner Bros. Sayang nga lang kasi wala pa
yung ticket, on the day of the event pa daw ibibigay, wala tuloy akong sample
photos. HEHEHE!
Medyo may pagka-cheesy ang peg nito ngayon kasi If I
Stay ang nakuha nyang movie tix, but it also has moral lessons and
story about family. Another movie that was based from the book with the same title. Feeling ko maganda tong movie na to kasi maganda yung execution
of scenes sa trailer. Yung moment na parang sa trailer pa lang maiiyak ka na. Ang galing din
naman kasing umarte ng bida, in all fairness to her, at yan ay walang iba kundi
si Chloë
Grace Moretz. Sya din ang bida sa movie remake na Carrie, na isa din sa cast ng Kick-Ass,
at may role din sya sa Diary of a Wimpy Kid (kung di ko pa Ginoogle, di ko
malalaman). Medyo bagets pa si Chloë compared sa loveteam nya sa movie kasi 17
pa lang si Ineng at 23 na si Koya. Pero di nya pinahalata ang edad nya sa
character nya sa pelikula.
Let’s all find out how the movie will turn
out. Plan with your date because this will be showing on September 3 in theaters nationwide. For those who haven’t
seen the trailer yet, this one's for you.
No comments:
Post a Comment
Tell me your thoughts about this post.