Friday, 19 September 2014

MARIO


Di ko inaasahan ang dulot mo sa mga kapwa ko Pinoy. I underestimated your presence. Kagabi ka pa pala nagparamdam. Dahil sa’yo napasarap ang tulog ko, nakatulong ka ng sobra sa aking “rest day”. Ngunit ganun pa man, ipinagdadasal ko din ang kaligtasan ng lahat ng mga apektadong Pilipino. Nawa’y matuto na ang iba sa naranasan ng mga kapwa natin sa mga nakalipas na kalamidad. Sana mabawasan na ang mga matitigas ang ulo nang mabawasan ang mga napapahamak. Yung iba kasi iniisip ang mga maiiwan nila na gamit, mga naipundar na resulta ng dugo’t pawis. Pero kung sa panahon naman ng sakuna, mas pipiliin mo pa ba ang mga ito kung ang kaligtasan mo at ng mga mahal mo sa buhay ang nakataya.

Sa kasalukuyan, malakas ang hampas ng hangin na may kasamang pag-ulan. Get the recent weather updates from your local TV and/or radio stations or if you have data network, check out PAG-ASA’s website or Facebook page.

Warning Level - Orange Areas
Occidental Mindoro, Aklan, Antique, Northern Palawan



Ang mga bagay maaaring mapalitan, hindi man ganun kadali o kabilis pero ang buhay nag-iisa lang. ilang beses man itong ipinapaalaala, sana hindi natin ipasawalang bahala sapagkat nasa huli ang pagsisisi. Kaya matinding pag-iingat mga peeps!

No comments:

Post a Comment

Tell me your thoughts about this post.